Saturday, March 7, 2015

paglaganap








Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag-isa sa iba pang mga lugar, hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan. Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat. Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain, ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan, at ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan. Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta, na humantong sa pagsusulat.Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan,sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto,at sa lambak ng Ilog Indus.

No comments:

Post a Comment