Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan, sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto, at sa lambak ng Ilog Indus.Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina, subalit ang katunayang pang-arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.
Partikular ang kasaysayan ng Lumang Mundo (Europa, ngunit pati na rin ang ng Silangang Malapit at Hilagang Aprika) ay pangkaraniwang hinahati sa Sinaunang kasaysayan oKalaunan, magpahanggang sa 476 CE; ang Gitnang Kapanahunan, magmula ika-5 hanggang sa ika-15 mga daantaon, kasama ang Ginintuang Panahong Islamiko (c. 750 CE – c. 1258 CE) at ang maagang Renasimyento sa Europa; ang Maagang Modernong panahon, magmula ika-15 daantaon hanggang sa hulihan ng ika-18 daantaon, kabilang ang Panahon ng Pagpapaliwanag; at ang Panghuling Modernong panahon, magmula sa Rebolusyong Industriyal hanggang sa kasalukuyan, kasama ang Kasaysayang Kontemporaryo.
No comments:
Post a Comment