Saturday, March 7, 2015

pasisimula









Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay ang kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan. Kung kaya't tinatawag din itongkasaysayan ng tao o kasaysayang pantao, na sa madaling sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinaka maagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasama rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lamang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likas na mundo sa buhay ng mga tao. Kabilang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat ng mga tala o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ng arkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha sa imprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman.Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.

No comments:

Post a Comment