Saturday, March 7, 2015

pasisimula









Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay ang kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan. Kung kaya't tinatawag din itongkasaysayan ng tao o kasaysayang pantao, na sa madaling sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinaka maagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasama rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lamang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likas na mundo sa buhay ng mga tao. Kabilang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat ng mga tala o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ng arkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha sa imprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman.Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.

Pag-Usbong ng Tao









Ang prehistorya ng tao ay nagsimula noong Panahong Paleolitiko, o "Maagang Panahon ng Bato". Sa paglaon, noong Panahong Neolitiko (Bagong Panahon ng Bato), dumating ang Rebolusyong Pang-agrikultura (sa pagitan ng 8000 at 5000 BCE) sa Matabang Gasuklay, kung saan unang nagsimula ang mga tao ng masistemang pagsasaka ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop.

paglaganap








Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag-isa sa iba pang mga lugar, hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan. Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat. Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain, ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan, at ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan. Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta, na humantong sa pagsusulat.Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan,sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto,at sa lambak ng Ilog Indus.

kabihasnan







Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan, sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto, at sa lambak ng Ilog Indus.Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina, subalit ang katunayang pang-arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.
Partikular ang kasaysayan ng Lumang Mundo (Europa, ngunit pati na rin ang ng Silangang Malapit at Hilagang Aprika) ay pangkaraniwang hinahati sa Sinaunang kasaysayan oKalaunan, magpahanggang sa 476 CE; ang Gitnang Kapanahunan, magmula ika-5 hanggang sa ika-15 mga daantaon, kasama ang Ginintuang Panahong Islamiko (c. 750 CE – c. 1258 CE) at ang maagang Renasimyento sa Europa; ang Maagang Modernong panahon, magmula ika-15 daantaon hanggang sa hulihan ng ika-18 daantaon, kabilang ang Panahon ng Pagpapaliwanag; at ang Panghuling Modernong panahon, magmula sa Rebolusyong Industriyal hanggang sa kasalukuyan, kasama ang Kasaysayang Kontemporaryo.

Europa








Sa Europa (at sa mga kasaysayang Kanluranin, ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyo ng Roma (476 CE) ay pangkaraniwang itinuturing bilang tanda ng wakas ng Sinaunang panahon at siya namang simula ng Gitnang Panahon, kung kailan (noong bandang taon ng 1300) nagsimula ang Renasimyentong Europeo

paglilimbag








Noong kalagitnaan ng ika-15 daantaon, ang pagkaimbento ni Johannes Gutenberg ng modernong paglilimbag, na gumamit ng tipong naigagalaw, ang nagpausad ng rebolusyon ng komunikasyon, na tumulong sa pagwawakas ng Gitnang Panahon at nagpasimula sa makabagong kapanahunan at sa Himagsikang Pang-agham.

pag-usbong











Sa pagsapit ng ika-18 daantaon, ang pagkakaipon ng kaalaman at teknolohiya, natatangi na sa Europa, ay umabot sa isang masang kritikal na nagdala ng Rebolusyong Industriyal.